Kilala
mo ba talaga kung sino ang nagligtas sa iyo? o baka isa ka sa mga taong
walang utang na loob na pagkatapos iligtas ng Panginoon e sa halip na
kilalanin siya e tinanggalan pa ng karangalan tulad ng ginagawa nila kay
Maria na kanyang i
na? Alam ninyo naniniwala ako na; sa taong
gustong maniwala walang paliwanag na mahahaba, pero sa taong ayaw
maniwala walang anumang salita na aakma.
Teka nga muna, kayo ano sa
palagay ninyo....mayroon na bang Jesus Christ bago siya ipinanganak ni
Maria? Di ba ang sagot siyempre wala pang Jesus Christ noon dahil ang
pangalang Jesus ay ikinapit lamang sa anak ng Diyos noong naging tao
siya di ba? oy oy oy kayo ha.. nasa Matthew 1:21 yan baka akala nyo..he,
he he...pero kung ang tanong ay mayroon na bang "anak ng Diyos" bago pa
ipinanganak ni Maria, aba siyempre ang sagot ay OPO naman. Ngayon heto:
Ano ang pangalan ng anak ng Diyos na ipinanganak ni Maria...siyempre
ang sagot ay Jesus Christ...e ano naman ang pangalan ng anak ng Diyos
noong di pa siya ipinapanganak ni Maria? Salita o Verbo o Word....
pangalan ba ang Salita o Verbo o Word?...e di tingnan mo sa Bible kung
ayaw mong maniwala na pangalan nga iyan sa Revelation 19:13 "He is
dressed in a robe dipped in blood, and his NAME IS the WORD of God." o
wala tayong pagtatalunan diyan unless na ang salitang NAME ay may ibang
kahulugan.
Heto ang patunay na nandoon na ang anak ng Diyos (na ang
pangalan ay WORD) kasama na ng Diyos. Basahin mo ang Proverbs 30:3-4 "3.
I have not learned wisdom, nor have I knowledge of the HOLY ONE. 4. Who
has gone up to heavens and come down? Who has gathered up the wind in
the hollow of his hands? who has wrapped up the waters in his cloak? who
has established all the ends of the earth? WHAT is HIS NAME, AND the
NAME OF HIS SON?" Tell me if you know!" Get ba ninyo yan? Simple lang
yan di ba? May kasama ang Diyos sa langit at ang kasama niya ang Anak
niya - o di ba maliwanag yan. Heto pa basahin ninyo ang Proverbs
8:23-25, 30 "23. I was appointed from ETERNITY, from the BEGINNING,
before the world began. 24. when there were no oceans, I was given
BIRTH, when there were no springs abounding with waters; 25. before the
mountain were settled in place, before the hills, I was given
BIRTH...30.Then I WAS the CRAFTSMAN at HIS SIDE, I was filled with
delight day after day, rejoicing always in his presence..." Hayan siguro
naman malinaw linaw na ang kasama Diyos sa paglikha ay hindi "isang
kaisipan o pangako o guniguni" lamang kundi isang persona na may
sariling buhay na may sariling pag-iisip at sariling kalooban. E kung
hangin lang siya o pangako lang na walang buhay at walang kalikasan
paano siya magiging CRAFTSMAN ng Diyos...Paano makakalikha ang isang walang kalagayan. Ngayon sino ba itong anak ng
Diyos na ito na kasakasama niya - na nasa tabi niya? di ba kapag sinabi
mong nasa tabi mo iba yon kaysa sarili mo di ba? meron bang katabi mo na
nasa loob mo tulad ng hininga..isip...katabi mo ba yon...hay naku
matutuyo ang utak mo para masakyan yang ganyang kaisipan ng mga ayaw maniwala kay
Cristo.
Sino nga ba ang nasa tabi ng Diyos na ang sabi diyan sa Proverbs
ay mula pa sa pasimula e nandyan na? basahin mo ngayon ang John 1:1-3
"1. In the beginning was the Word, and the Word WAS WITH GOD, and the
Word was God. 2. HE WAS WITH GOD in the BEGINNING. 3.THROUGH him all
things were made; WITHOUT HIM nothing was made that has been made." O
hayan, alam mo na kung ano ang kahulugan ng John 1:1-3 (naku pakibasa mo
na lang ang Colossians 1:15-17 at dito ay tinutukoy si Cristo ay nandon
na kasama ng Diyos sa paglikha bilang anak ng Diyos.) Hep, hep hep ang
pinag-uusapan pa lang natin dito ay ang tungkol pre-existence ni Jesus
Christ hindi pa kasali dito ang kanyang divine nature.Basta,
hayan maliwanag yan na ang anak ng Diyos na naging Jesus Christ ay
nandoon na bago pa siya naging tao, kasama siya ng Diyos, may sariling
buhay na may sariling isip at kalooban na nakabukod sa Ama....ibig kong
sabihin ay iba ang Ama at iba ang Anak pero magkasama sila.
Para
doon sa mga naniniwalang nagkaroon lamang ng Cristo ng isilang ni Maria
at walang Cristo ng hindi pa isinilang ni Maria...e bahala kayo sinikap kong ilahad dito ang simpleng paliwanag lamang na muunawaan ng simpleng tao. Kung ayaw ninyong tanggapin ay nasa inyong pagpapasya na yan basta
tandaan ninyo na SI CRISTO NA YANG GINAGANYANGANYAN NINYO - INALIS NA
NYA BUHAY NYA PARA SA INYO, TAPOS INALIS NYO NAMAN PAGKADIYOS NYA...ano
ba yan...NAKAKAKILABOT NAMAN KAYO. Diyos na yang tinatanggalan nyo ng
karangalan ng pagkaDiyos baka akala ninyo....Pasensiya na kasi hindi ko
lang matiis na di sagutin yong pag-atake kay Jesus Christ sa TV show na
pang worldwide pa man din. Thank for reading this, I pray that we will learn
more about our faith and then share naman ninyo sa iba....God bless.
na? Alam ninyo naniniwala ako na; sa taong gustong maniwala walang paliwanag na mahahaba, pero sa taong ayaw maniwala walang anumang salita na aakma.
No comments:
Post a Comment